"Iminumungkahi ko rito ang isang makataong
responsibilidad sa pagsipat sa lahat ng kulturang aktibidad at
karanasan: Kailangang mag-isip, sumuri, maging palatanong. Huwag
tanggapin ang anuman nang walang pasubali o kritika. Analisahin at
hamunin ang katuwiran ng awtoridad. Ang nakikita mo ay hindi sumasaiyo,
hindi para sa iyong interes o kolektibong kapakanan, kaya dapat
mag-ingat at laging gawing problema ang
nangyayari sa kapaligiran at sa naipataw o minanang balangkas ng iyong
buhay. Baguhin ang diwa, kaisipan, buhay. Ito marahil ang una at huling
aral na mahuhugot sa pag-aaral sa sining at mekanismo ng potograpiya, ng
kamera, sa kasalukuyang panahon." E. SAN JUAN, JR. Sipi mula sa
sanaysay niyang "Ilusyon, Katotohanan, Komodipikasyon ng Imahen at
Larawan"
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.